PERO SOBRANG WORTH IT . lahat ng twist , ng plot . tas takte pa yung pagkakaedit e . icucut nila yung episode na iiwanan kang nagtatanong , tas sisilipin mo kung ano mangyayari sa next eps na di mo namamalayan , matatapos mo na naman pala tas sisilipin mo na naman yung next eps na .. (repeat 16x) .
and problema ko lang , hindi ko nalimutan dito na si DO sya ng EXO . Kasi si DO talaga yung nakikita ko kay Won Daek / Yi Yul . Yung pagka-authoritive nya na hindi mo sya pwedeng biruin and all . SATANSOO at it's finest ???? yung bawat O-HO nya , at 'Am I The only one feeling uncomfortable' sobrang prinsipeng prinsipe lang ang datingan ???? dalang dala ni Kyung Soo yung character nya . AT ANG CUTE NYA MAGSELOS ???? jusmiooooo ❤
but wait there's more . oo , given . Kyung Soo ang bida . na alam naman nating lahat na visual na . e sinamahan pa ng maliit pero super heavy na role ni Do Ji Han . tas may combo pang Kim Seon Ho na mapatay ang dimple ???? wala na . finish na . pinagsisihan ko na bat nga ba hindi ko pa noon pa pinanood ito ????????
Cet avis était-il utile?
It's Okay, That's Love
0 personnes ont trouvé cette critique utile
- The Review -
ok . teka . hinga muna ako , hano ?
*sigh* soooo . kalagitnaan pa lang ng storya , nakutuban ko na yung twist at lalo ako naintriga . at oo , ANG SICK NUNG TWIST . sobrang sick lang .
sobrang under rated neto kasi hindi ko talaga sya nakikita sa kahit anong list ng 'BEST' KDrama pero isa ito sa pinaka solid ang storya .
sick yung twist pero hindi malayong mangyari sa totoong buhay .
Alam ko ng magaling umarte si Do Kyung Soo . Kaya ko nga 'to pinanood dahil sa kanya . Alam ko na ring magaling umarte ang pambansang ajusshi na si Sung Dong Il - sa dami ng napanood kong KDrama na cast sya , alam ko na kalibre nya . Kahit si Gong Hyo Jin , alam ko na rin na award winning . ANG KINAGULAT KO , si LEE KWNAG SOO . first time ko kasi sya mapanood sa Drama . oo , si Lee Kwang Soo - yung real life bestfriend ni Song Joong Ki na sobrang sira ulo sa Running man . sya nga . hanep pala umarte si Gago . ibang level lang .
A MUST WATCH . kung naghahanap ka ng KDramang worth it pagpuyatan , isama mo 'to sa listahan . babala lang , hindi sya light . MABIGAT YUNG STORYA . at marami kang ipa-process na info along the way - marami kang matututunan .
again , di ako maka get over sa twist . may isa dito na hindi naka-credit as MAIN CAST . SUPPORTING lang . pero sya nagdala ng storya . sya yung turning point . pakshet lang . eto yung tipo ng storya na iisipin mo ng mga ilang araw pagtapos panoorin . iba .
#ItsOkayThatsLove
#DO12 #EXO #EXOLove #WeAreOne #Saranghaja
Cet avis était-il utile?
una , medyo boring yung simula . napaataas kilay ko , tas nasasabing kong parang ang OA ng lahat . mula sa pagacting , gang sa paglatag ng kwento - and all . pero unti unti , nagiging cute saya - na narerealize ko na lang na nakangiti na pala ako buong episode pag nagfreeze na kasi tapos na ❤
pinaalala ko sa sarili kong hindi ako dapat magexpect ng mabigat na kwento , ng production o ng ano pa man . dahil , mini series lang 'to na ginawa para sa fans ng Got7 . walang pinagiba sa #EXONextDoor - sa totoo lang , walang content yung END , as in wala talaga . walang laman yung kwento . walang twist . walang kahit ano . pero nakakaaliw at nakakatuwa kasi EXO-L ako . kaya tingen ko , ganon din yung mga Ahgase dito ????
pero sabi ko nga cute ???? sa una habang nilalatag nila , medyo OA . pero kalaunan , nakakatuwa naman . nakakacurious kung ano ba talaga ang magyayari o ano . nakakakilig in a way . medyo nalito pa ako kung sino ba ang second lead sa lead talaga . tas ayun - WALANG SECOND LEAD SYNDROME DITO - KASI MAMAHALIN AT PIPILIIN MO TALAGA YUNG MAIN ????❤ 12E/15-20 mins each , kaya kayang kayang tapusin ng isang harapan .
Jackson Bias ako sa Got7 at hindi ganon kalaki role ni Bae dito pero twing screentime nya , sulit . Sya ang pinakamakulit sa lahat , pinaka kenkoy ???? mas lalo lang ako nainlove sa kanya . Pero based on expirience sa ganito mo malalaman na hindi lang pala yung Bias mo ang member ng grupo . SOBRANG CUTE LANG NI JB ???????? , as in . My Bias Wrecker na ata ako sa G7 ???? pero acting wise , hm - alam ko may iiimprove pa sila . (sorry na , EXO-L e , standards ko sa acting si DO e ????) Samahan mo pa ng pamilyar na mukha . Yung female lead yung bespren ni Ae Ra sa #FightForMyWay kaya alam mo na kalibre nya sa pagaarte .
ilang beses ko nasabi sa review na ito yung cute . so ayun , overall impression ko , CUTE . kung tatanungin ako kung gugustuhin ko ulitin ito , hindi na siguro . kung itatanong nyo kung irerecommend ko ba ito , hm . hindi rin . pang chill lang sya . HINDI A MUST WATCH , pero pwede na ❤
Cet avis était-il utile?